Post by gener62166 on Mar 13, 2007 21:58:59 GMT 8
sa lahat po ng kasapi ng icaii
ako po ay nakiki usap po sa inyo na maging lubos na mag ingat sa mga nangyayaring mga nakawan at hold up ng mga internet shops sa atin bayan ng imus. sa ngayon po ay mayroon nang naitatalang mga 4 na kaso ng hold up at 3 kaso ng nakawan ng mga pc dito sa bayan ng imus sa loob lamang po ng tatlong buwan ng 2007. yan po ay isang naka ka alarmang sitwasyon. ang pamunuan po ng icaii ay nakikipag usap sa pamahalaang bayan ng imus upang mabigyan lunas ang problemang ito pero ang problema ay napakalaki at di kayang pasanin lamang ng ating pamahalaang bayan. kailangan ng tulong ng bawat isa sa atin para po maiwasan ang mga ganitong sitwasyon:
1. kung kayo po ay 24 na oras ang inyong shop ay bukas gumawa na po kayo ng mga pamamaraan para po makasigurado po kayo na di kayo magiging biktima. maylagay na po kayo ng cut off time na kung saan doon lamang po sa oras na yon kayo magpapasok ng mga customers nyo o di kaya maglagay kayo ng webcam sa labas para makita nyo kung sino ang mga gustong pumasok wag nyo nang papasukin ang mga taong di ninyo kilala.
2. kung kayo naman po ay di natutulog sa inyong shop sa gabi para mabantayan ito ay gumawa po kayo ng paraan na ang mga lock ng inyong mga steel door ay nasa loob at di nasa labas. kasi po ang ibig sabihin nyon ay may tao sa loob at doon nagbabantay. di na po bolt cutter ang gamit ng mga magnanakaw kung hindi acetelyn kahit gaanong katibay ang inyong mga padlocks yung lalagyanan naman ng padlock ang titirahin.
3. kung gusto nyo ay iturnilyo nyo yung iyong mga pc casing sa lamesa tulad ng ginawa ng cer internet cafe para naman di gaanong mabilis ang kanilang gagawing pagnanakaw o di kaya tuluran nyo ang ginawa ni troy lim ng net meeting na di na siya gumamit ng casing kung hindi yung mismong cpu ay nasa loob ng kanyang computer stand (medyo mahal ng lang)
4 magmasid sa mga tao na nasa inyong kapaligiran. kilatisin yung mga bagong mukha na nagtatanong ng inyong presyo minsan yun ay mga spotter. mag ingat lang lalo na sa mga nakamotor o kaya naka van na pumaparada sa inyo.
ang ating kaligtasan ay nagsisimula sa atin at wag po natin iasa sa iba. ang ibayong pag iingat ay lubos na makakatulong sa atin lahat.
salamat po
gener