|
Post by lenmarie16 on Mar 12, 2008 22:35:11 GMT 8
kanina nagpadala ako ng documents sa sister ko sa Tokyo, tapos pinresyuhan kami ng almost 700, to think na 10 pages of coupon bond lang un. Samantalang a few weeks ago, naghulog din kami ng vitamins and beauty products to the same address almost the same ang presyo. Paano ko ba malalaman na tama ung presyong sinasabi sa akin? Bakit walang resibo? Kahit sana walang resibo, may transparency sana sa proseso nila, naka-post sana doon kung magkano ang presyo ng mga items depende sa bigat.
Minsan, irerequire ka pa nila na gumamit ng towel dun sa ipapadala mong package. bebentahan ka nila ng 'good morning' towel at 20 pesos each. ung carton na pang EMS, ibebenta pa nila sau, (di ba dapat ksama na un sa binayaran mo?) and ung price nun is ikaw ang bahalang magbigay (parang donation) and xempre wala pa ring resibo.
Ano ba dapat ang proseso dito. Transaparency lang nmn ang kailangan nating lahat para di tayo maloko.
|
|