|
Post by AkoIto on Apr 23, 2008 23:08:18 GMT 8
Ang batas ay batas! wala dapat abutan. Kung meron man, dapat managot ang mga sangkot dito. Ngunit paano? kaya n'yo ba lutasin 'to o hindi? Kasi ang iba wala magawa dahil maaaring sabihin na walang ebidensya. Pero ganito ba natin nais na makilala ang lokal na gobyerno? Na maraming kurakot? Ako ayaw ko. Kaya hindi ko iniisip na lumapit sa media. Ayaw ko rin naman masira ang pangalan ng Imus. Pero kung wala kayong magawa sa issue na ito. Baka 'pag may media na, umaksyon na kayo katulad ng mga napapanood ko.
|
|
|
Post by rustico legaspi on Apr 28, 2008 4:50:16 GMT 8
alam nyo ang mga ganitongt kotongan sa ITMO ay talagang matagal nang problema. kahit pa ito ay ginawan na ng solusyon sa panunungkulan ni KON EMOY, pero sadyang matatakaw ang ating mga ITMO sa LAGAY o suhol. at ang sinasabi nyong kailangan ng ibedensya ay sadyang wala ring mangyayari dahil sa tinatawag na padrino ng mga ungas na ITMO yan.(d pinapansin o sadyang kinukunsinti lng nang ilang pulitiko o kilala na malapit sa pulitiko) matagal ko nang napapansin ang ganyang sistema ng mga ITMO nakakapaglakad pa nga ng Frankisa ng motor yan basta magbigay ka lng eh. kaya ang payo ko sayo wag ka nga umapela dahil marami na tayong mangahas na magsabi ng ganyan kaso wala ring mangyari. pagnilapit mo sa opisyal ng bayan o halal ng bayan sasabihin lang sayo na papaimbistigahan nila tapos wala naman sila gagawin kundi tumambay lang. kaya igan sa tanong mong paano lulutasin WALA NANG PAG ASA yan
|
|
|
Post by Litonglito on Oct 26, 2008 21:17:20 GMT 8
makikisali na rin ano ho, alam nyo ba sa tingin ko wala namang mga silbi yang mga ITMO na yan sila pa ang dahilan ng pagsikip ng traffic dyan sa kanto, imbis na mapadali ang daloy lalung lumalala basta sila ang nakatambay dyan, pero tignan nyo sa pagdating ng mga CTMO isang kumpas lang tapos na ang problema kaya mas maigi alisin na lang yang mga ITMO yan mababawasan na ang mga pinapasahod ng goberno ng imus mababawasan pa ang traffic hindi po ba?
|
|
|
Post by marlon1a on Oct 30, 2008 12:42:43 GMT 8
Ang problema kasi sa ITMO walang koordinasyon ... lalo na dyan bago sa kanto papasok ng Bayan ng Imus hangang dun sa kanto ng MCI..... Biruin mo ipapa-go ng traffic enforcer dun sa kanto ng Imus ang sasakyan paluwas tapos pagdating mo sa Paliko naka-hold ka tapos pagkalagpas mo sandali ipapahold na naman nung isang trafic enforcer mga sasakyan dun sa kanto ng MCI ... e sa ikli ng pagitan ng mga kanto siguradong mai-iipon ang mga sasakyan kasi pahinto hinto .... kung sabay sabay sana naka-go yan e di dere-deretso ang mga sasakyan walang abala....ay sus!
|
|