Post by Jay on Jun 6, 2008 20:50:17 GMT 8
Magandang araw sa inyong lahat
Bago po ako maghain ng munting hinaing, nais ko po munang magpasalamat sa mabilis na pag-tuloy ng construction ng Daang Hari extension mula dun sa ilog hanggang sa bandang Athena Classique. Di nyo lang alam kung gaanong kalaking ginhawa ang naidudulot nyo sa libo-libong motorista na na-perwisyo ng biglaan at matagal na pag-giba ng Salitran Bridge sa Dasmarinas na normally daanan papuntang Daang Hari (sobrang malubak kasi yung hindi pa tapos na bahagi ng Daang Hari Extension).
Nais ko lamang po sanang ibigay ang aking pagkabahala sa madaming traffic issues sa lugar natin.
Sa bayan mismo, sa Anabu Kostal at maging sa extension ng Daang Hari.
Ang isyu ng trapik sa bayan ay yung mahabang traffic lagi mula Makro hanggang Imus-Bacoor Boundary.
Sa Anabu Kostal naman, yung napakahirap liku-an na intersection (kung galing Dasma at paliko ka papuntang Malagasang) dahil andaming swapang na mabilis dumaan sa intersection galing sa bandang Yazaki at mga lagi-na-lamang-alanganing-magsakay na mga jeepney.
At yung sa Daang Hari Extension kung saan laging delikadong tumawid papuntang kabilang side (kung galing kang Molino), mas delikadong lumiko kaliwa, at maging ang pagliko sa kanan ay delikado dahil sa anggulo ng kanto.
Kung maaari lang po sana ay magawan ng paraan na mapabuti ang daloy ng trapiko at masolusyonan ang delikadong intersection ng Anabu Kostal at ng Daang Hari Extension. Sadyang napakaganda, napaka-maunlad at kaaya-aya ang bayan natin ng Imus para lamang masira ang imahe dahil lang sa traffic at possibleng panganib sa mga kalsada.
Maraming salamat po!