|
Post by dissapointed on Jun 26, 2008 16:03:03 GMT 8
Nagtatanong lang po. Kailan magiging weekly ang koleksyon sa basura? Mukhang every 2 weeks na lang ito ginagawa kung minsan inaabot pa ng isang buwan. Sa Primarosa sa Buhay na Tubig, palaging ganun. Saka ung pagkakantahan na umaabot sa madaling araw, sana masabihan kung me batas na umiiral tungkol dito. Nakakabulahaw. Sana makarating sa kinauukulan ang aming pagsusumamo. Salamat po.
|
|
|
Post by concerned on Aug 28, 2008 21:08:45 GMT 8
Tama ka dyan.. ang basura grabe na. dito nga sa amin sa tapat pa mismo ng brgy. captain gabundok ang basura. bulag siguro at hindi nya makita kung gaano karumi ang nasasakupan nya. wala ba magagawa ang lokal na pamahalaan ukol dito sa problema na ito. hindi rin ata nila magawa na basahin ang forum na ito. isa pa tungkol sa videoke na yan yung mismo brgy. captain ang may ari ng videoke dito kaya kahit gusto mo matulog ng maaga ay hindi ka makatulog sa ingay. saan ba kami pde magreklamo tungkol dito kung mismo ang brgy. captain ang may ari.
|
|
La Terraza Residence
Guest
|
Post by La Terraza Residence on Jan 6, 2009 13:44:08 GMT 8
Nakow, ang basura sa imus particularly sa loob ng la terraza subdivision eh dumadami na naman! nun december iniisip ko bakit kaya talagang consistent ang pagkuha ng basura. yun pala mamimigay ang mga kumukuha ng mga sobre. in short mamamasko. then ngayon na nakuha na ang gusto nila, di na naman nagpakita. yun mga basura since new year eh di pa nakukuha and as useless este as usual, namamaho na naman. ano naman gnagawa ng mga papoging government official??? eh di wala! kasi bulag sila. grabe pala dito sa imus.
|
|
Angry Imus Resident
Guest
|
Post by Angry Imus Resident on Feb 1, 2009 0:01:08 GMT 8
Sobrang nakakainis talaga yang mga videoke na yan, dapat pinagbabawal na yan sa public at i-restrict sa loob ng private establishments. Sobrang nakakabulahaw talaga, wala silang respeto sa ibang tao.
|
|