|
Post by malagasang on Oct 7, 2008 16:47:44 GMT 8
Good day! Ask ko lang po why masyado mataas ang pamasahe ng tricycle dito sa imus? like palengke going to malagasang 1a worth 50pesos? ?? ok lang mag jeep but d ka naman pwde magjeep if ang dami mo bitbit, liban sa baka magalit kasabay mo ay syempre mabigat pa kung magbitbit ka pa galing palengke going to terminal! so please paki ayos naman ng fare matrix ng mga tricyclle lalo na dyan sa lutos 60pesos ang singil nila!!! kung aangal ka naman ayaw ka namang pasakayin no choice!!! please lang po........
|
|
|
Post by nalilito on Oct 26, 2008 21:42:41 GMT 8
hello, kumento ko lang sa reklamo nyo kasi ganito yan....kung ikaw ay sasakay sa terminal ng tricycle malaki ang sisingilin sa iyo kasi matagal silang naghihintay dun kaya medyo mahal hindi katulad ng mga "lagarista" yang mga yan ikot lang ng ikot at kung makakatsamba naman ng pasahero ng sunod sunod ang sakay kikita sila(lagarista), yang mga nakapila sa terminal nasumisingil ng malaki sabi mo 50 to 60pesos ang paghihintay naman nila ng pasahero ay aabot ng mga 1 oras o higit pa sa terminal, sana nakatulong sa iyo itong paliwanag ko tungkol sa pasahe.kung itatanong nyo naman kung safe ang sumakay sa lagarista..wag nyo lang kakalimutan ang body number.
|
|
|
Post by reidashman on Oct 28, 2008 15:47:31 GMT 8
I'm from greengate malagasang, kahapon lng nagmahal na ang pamasahe sa trysikel from phase2 going to kostal market ng 2 php, ewan ko ba bakit pinayagan pa ng imus kung sino man dyan na taasan ang pamasahe na sakasalukuyan bumababa na ang oil price. I agree w/ malagasang mahal ang pamasahe , dapat pag aralan.
|
|
|
Post by marlon1a on Oct 30, 2008 10:33:04 GMT 8
I agree with Reidashman ....... bakit kaya pinayagan pang itaas ang pamasahe sa Tricycle sa buong Imus. Ang nabalitaan ko e ....matagal na daw naipasa ng Sanaguniang Bayan ng Imus ang ordinansa na ito na pagtataas ng pamasahe sa mga tricycle .... pero bakit hindi na lang ipina-hold dahil alam naman natin na bumababa na ang presyo ng gasolina.... today lang e nag-announce na ang big 3 oil companies ng 5pesos per liter na price reduction..... ang tanong e kailan kaya babalik sa dati ang pamasahe ... kailan kaya isususpende ang panibagong pagtaas ng pamasahe ... marami ang nag-aaway dahil sa bagong oridinsa na ito ng Sanguniang Bayan ... marami ang may hinanakit ngayon sa ating butihing Mayor dahil sa bagong parusa na ito sa mga mamamayan ng Imus ....hirap na hirap na nga ang mga tao e dinagdagan pa ..... alam nyo po sa Green Gate Homes sa Imus ipinatupad ng MCTODA lately ang pag-increase ng special ride rate ... sabihin na nating di naman tumaas yun nga lang kanilang ipinatupad na kung ang isang pasahero ay mag-special ride e kailangan nyang bayaran ang pamasahe para sa tatlong pasahero .... sa ngayon kung di mo kaya magbayad ng special rate e kailangan mong magthintay ng kasabay ....
sa ngayon nag-dadalawang isip din ang ibang tricycle operator and driver na maningil ng bagong pamasahe dahil alam nila na bumababa ang gasolina at marami na sa ngayon ang naglalakad na lamang imbes na sumakay ... ito rin po ay nakakabawas sa kanilang kita....
Sana po ay magawan ng paraan ng Sanaguniang Bayan at ng atign butihing Mayor ang problemang ito... salamat po
|
|
|
Post by reidashman on Oct 30, 2008 12:22:55 GMT 8
Hello Imus government officials, administrator,mga taga imus,
Tanong ko lang kung saang departamento ba dapat magreklamo tungkol sa fare matrix ng mga trysikel?
yung fare matrix ng MCA-TODA, byaheng greengate ->kostal ay wala namng nakalagay sa matrix para sa greengate subdivision..yung singil nila from greengate to kostal ay 13.50php.. nakalagay sa fare matrix na 1st kilometer is 9.50 then add 1php for every kilometer..sa tingin ko hindi lalambas sa 2.5km ang route na nabanggit ko..
Sana merong Imus officials na makagbisita sa route na to at tingnan kung tama ba ang sinisingil at ayusin ang fare matrix.
Maraming salamat
|
|
|
Post by marlon1a on Oct 30, 2008 12:34:53 GMT 8
Ang problema kasi sa mga tricycle operator and driver sa Green Gate gusto nila madami sila sakay ..... kaso nagrereklamo naman kung ang pasahero nila e magkakalayo ng lugar ...... kaya nila ginawang 3 ang minimum na pasahero ....... kaya kailagan mo i-absorb yung pamasahe ng isang pasahero imbes na isa lang ang dapat na additional mo eh nagiging 2.....
Ang masaklap pa nito e pinipilit nila na magsakay ng apat na pasahero .... 2 sa loob at 2 sa labas ..... normal na normal ito sa umaga ..... ang alam ko bawal ito kasi hangang 3 lang na pasahero ang allowed.... in the event na maaksidente ang tricycle e 3 lang ang pananagutan nila ... paano naman yung isang pasahero?
Kung makikita nyo lang sa umaga ang itsura ng driver ng tricycle na may sakay na apat na pasahero maawa ka .... kasi halos nakadikit na sa manubela ang tyan....maawa naman kayo sa pasahero nyo ang tumbong e naka-kalang sa bakal na dapat ay lagayan ng gamit......
|
|
|
Post by reidashman on Oct 30, 2008 12:38:04 GMT 8
Good point din yung sinabi ni marlon1a, safety ng pasahero at driver..
minsan merong lima, tatlo sa loob.
|
|
|
Post by reidashman on Oct 31, 2008 9:43:20 GMT 8
LTFRB has now approved a fare rollback from jeepneys and buses. Sana mangyari din eto sa trysikel. Maraming salamat.
|
|
|
Post by neo on Nov 1, 2008 7:12:09 GMT 8
i agree with all of you. masyado nga mahal ang pamasahe ng tricycle sa MCTODA. boung imus ba yung 9.50 minimum sobrang taas naman ata? call 472-2943 imus traffic management office
|
|
|
Post by Bucandala on Nov 10, 2008 10:45:35 GMT 8
bakit nga ba pinayagan pa magtaas ng pamasahe??? ano ba naman nangyayari sa atin?! hirap na hirap na kami. bumaba na ang gas. ok lang naman sana kung pataas ng pataas ang presyo ng gas. maiintindihan naman eh. kaso pababa na ang price tapos pinayagan pa magtaas. ilan beses na din kami napapaaway sa mga tricycle drivers na nagsasamantala. ang dami nyan lalo sa bucandala area. Imus Govt, gising naman tayo!!!! Ultimo mga jip na pag nagbayad ka ng buo eh 8.50 pa din ang kukunin na minimum. masyado garapal mga yan eh mga kolorum naman! Mayor, aksyon naman jan!!!
|
|
|
Post by Bucandala on Nov 19, 2008 17:36:56 GMT 8
sus ko po! gobyerno talaga! gising kayo! magsigising na kayo pls!!! ultimo dito sa site na ito kung kelan na lang magustuhan silipin at sagutin. grabe na talaga!!!!
|
|
|
Post by althea on Nov 20, 2008 10:47:19 GMT 8
regarding sa pagtaas ng pamasahe in time na nagbababaan ang prices ng oil... we should take note na yung P7.50 na pamasahe ng tricycle ay matagal na po at kahit ilang beses na nagtaas na yung prices ng oil ay hindi pa rin sila nagtaas... last week lang po ng september naapprove ang pagtaas ng fare ng tricycle and this october lang pinatupad... we should take in considerations na ngayon pa lang makakabawi yung mga tricycle drivers sa times na nagtaas yung price ng oil... siguro, kung magpapatuloy na bababa yung oil prices, then the citizens can take charge and have a talk with the administration... in this way, parehong magbebenefit ang tricycle drivers and passengers... ty...
|
|
|
Post by Bucandala on Nov 24, 2008 11:30:34 GMT 8
sus naman, ngayon pa lang makakabawi? impossible na di sila kumikita nun! yan kc ang hirap sa gobyerno. yan din ang hirap sa mga driver at operators. masyado mauutak!
|
|
|
Post by lea on Dec 19, 2014 21:27:47 GMT 8
Sumakay kami ng mr.ko ng tricycle kanina, december 19, 2014 at 1pm from dexterville legacy to patindig araw, 100 ang pera namin ang sinukli 60 pesos so dalawa kami tag 20 each nagreklamo ako kc tlga naman na 10 pesos each lang ang bayad galit pa c driver napakalayo dw ng pinanggalingan namin nagalit ako kya ibnalik ang 10 pesos sb ko kulang pa. Galit c driver ang sabi mag demanda ka nlang. D na ako nakipagtalo kaya umalis na kami ito sticker number nya RAT058. Dapat mabigyan ng leksyon ang mga abusadong driver.
|
|
|
Post by EllExcalp on Oct 10, 2019 9:00:43 GMT 8
How Effective Amoxicillin For Toothache Viagra Pillen Internet Synthroid Purchase Canada <a href=http://buyviaa.com>generic viagra</a> Dapoxetina Tadalafil Aldactone Comprar Cialis En Espana Sin Receta
|
|