Post by Imus Citizen on Dec 3, 2008 15:54:29 GMT 8
Makailan beses ko na naranasan ipa-check up ang anak ko at asawa sa ospital na 'to. Dito ko sila dinadala dahil ito ang accredited ng health card ko. Ilan beses ko na nasaksihan ang di nila pagtanggap sa pasyente pag walang deposito. Naranasan din namin ito nun dinala ang byenan ko nun mastroke sya. Nagkataon na madaling araw at di na nakapagdala ng pera. Hindi nila tinanggap ng wala yun P15000 na hinihingi nila. Umuwi pa ang bayaw ko para lang kumuha ng pera. Pagkatapos ay di nila sinabi na nagka-komplikasyon na pala sa bato ang byenan ko. Hindi pa namin matutuklasan kung hindi namin inilipat ng PGH. Dun namin nalaman na kailangan na pala i-dialysis.
Isa ko pang experience nang ipa-check up ng asawa ko ang baby namin. Since may card kami kaya yun ang gnagamit namin. Ayaw tanggapin kesyo marami na daw nakapila na naka-card. Twice yun nangyari. Ang room po ay sa room 214, kay Dr Reyes. Then nun minsan na nilagnat ng mataas ang asawa ko, dun ko din dinala. Kinailangan ipa-laboratory para malaman ang cause ng mataas na lagnat. Inabot kami ng higit 3 oras dahil sa inuna nila ng inuna yung mga nagbabayad ng cash. Di pa nila agad inasikaso kung di pa ko nagsisigaw sa loob. Kawawa ang asawa ko nun time na yun dahil nagchi-chill na sya sa lamig.
Personal ko naman naranasan na pinagbayad ako sa medical certificate. Nagulat ako kasi di ba dapat libre lang yun? Well siguro kasi dahil card din ang gamit ko.
Grabe ang ospital na 'to. May magagawa ba d2 ang local government ng Imus???
Mas naaawa ako sa mga pasyente na hindi tinatanggap ng walang deposito. Hindi ko malimutan yung isang matandang babae na ayaw i-admit ang apo nya dahil kailangan daw muna ng deposito.