|
Post by Mario on May 7, 2009 12:08:29 GMT 8
Bakit po ba kabi-kabilaan pa rin ang pagsisiga ng basura sa Imus, lalo na sa Malagasang? Diba matagal nang ipinagbawal ito ng Clean Air Act? Sanay yata sa ganito ang mga lumang residente ng Cavite, pero para po sa mga bagong lipat sa mga itinayong subdivision na maliliit lang ang lote, sobrang pasakit ho ito. Yung ingay ng kapitbahay pwede kang magtakip ng tenga, pero yung pagpapausok hindi ka naman pwedeng hindi huminga.
Sana maintindihan ng mga datihan nang ImuseƱo na nagbabago na ang Cavite at hindi na pwede ang ilan sa mga kinagawian nilang pamamaraan, lalo na ang pagsusunog ng basura. Sana welcome sa kanila ang mga bagong subdivision dahil tumutulong din naman ito para sa ikauunlad pa ng probinsya. Kung mapapansin nyo dito sa forum puro mga bagong lipat at taga-subdivision yata ang bisita. Sana mabigyang pansin ng pamahalaang lokal ng Imus ang mga ganitong problema.
Sa mga tao sa likod nitong forum, maraming salamat at kahit papaano ay naipapaabot namin ang mga ganitong isyu.
|
|